HIV TREATMENT

Bakit mabuting magsimula agad ang antiretroviral therapy pagkatapos ng diagnosis?

Ang agarang pagsisimula ng antiretroviral (ART) gamutan pagkatapos ng diagnosis ay makakatulong para maiwasan ang pagdami ng virus sa ating katawan. Kahit na ang ART ay hindi isang lunas, ito ay mahalaga para sa paglalayo sa panganib na magkaroon ng mga oportunistikong impeksyon. Sa kalaunang pag inom ng ART, ang viral load ng taong may HIV ay magiging undetectable.

Ano ang maaring mangyari kapag huli ka nang magsimula ng gamutan?

Kung walang Antiretroviral (ARV) medication, ang viral load ay maaaring tumaas pa sa loob ng unang anim na buwan. Ang mataas na viral load ay pinapahina ang PLHIVs lalo na sa mga may mga impeksyon at sakit. Pinatataas din into ang panganib ng pagkakahawa ng HIV.

Mga benepisyo ng agarang pagsisimula ng ART

MAHALAGA!!!

Ang mga PLHIVs na patuloy na sumasailalim sa ART ay maaaring humantong sa U=U, o undetectable at untransmittable. Sa madaling salita, ang pagpapatuloy ng ART at pagpapababa ng viral load ay posibleng maging unstransmittable ang HIV dahil sa pakikipagtalik. Walang masyadong mababang panganib na maipasa ang virus sa pamamagitan ng oral, vaginal, o anal sex, o bahagyang panganib na maipasa ang virus sa panahon ng pagbubuntis hanggang sa panganganak.

May side effect ba ang mga gamot sa HIV?

May mga side effect, ngunit depende ito sa kumbinasyon ng gamot. Ang mga PLHIVs ay makakaranas din ng iba’t ibang tugon sa ART na maaaring kabilang ang mga sumusunod:

  • tuyong bibig
  • pagduduwal, pagsusuka
  • hirap matulog
  • sakit ng ulo
  • mabilis na pagkapagod
  • pagtatae
  • pagkahilo
  • pamamantal

MAHALAGA!!! Kung nagpapatuloy ang mga side effect, makipag-usap kaagad sa iyong manggagamot.

Magkano ang halaga ng paggamot sa HIV?

Ang HIV treatment cost ay depende sa kung saan magpa-treat katulad ng sa gobyerno ng Pilipinas o pribadong ospital. Ang suporta ng gobyerno para sa mga PLHIVs na sumasailalim sa ART sa San Lazaro o Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ay umiiral. Gayunpaman, ang isang kliyente ay kailangang magbayad para sa pagpapagamot sa mga pribadong ospital.

MAHALAGA!!! Maaaring tumaas ang taunang treatment cost depende sa mga komplikasyon sa kalusugan.

Ano ang mga psychological na barriers na maaaring makaapekto sa paggamot sa HIV?

Ang depresyon at iba pang mga isyung mental health ay nakakaapekto sa paggamot at pagsunod sa antiretroviral therapy. Ang pagpapayo o treatment counseling ng antiretroviral ay mahalaga, gayundin ang iba pang psychosocial na suporta at mga interbensyon.

Ano ang iba pang mga isyu at alalahanin na maaaring makaapekto sa paggamot sa HIV?

Nakakaapekto sa paggamot sa HIV ay ang pagkawala ng trabaho o kabuhayan, kawalan ng segurong pangkalusugan, kawalan ng mapupuntahang pabahay sa panahon ng treatment, at mga problema sa pananalapi upang mabayaran ang gastos sa transportasyon. Ang mga kliyente ay maaaring kumonekta sa ilang mga care facilities para sa temporary shelter at pagpapayo.

Sa Pilipinas, ang mga PLHIV ay maaaring maka-avail ng Outpatient HIV/AIDS Treatment Package ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth). Ang ahensya ng gobyerno ay nagre-reimburse ng hanggang P30,000 kada taon para sa mga medikal na gastusin gaya ng laboratory exam, tests para sa levels ng CD4, antiretroviral drug toxicity monitoring tests at ang professional fees ng mga healthcare professional na nangangalaga ng mga PLHIV na sumasailalim sa paggamot.

Anong suporta ang kailangan ng isang PLHIV sa panahon ng paggamot sa HIV?

Ang pagsasailalim sa ART ay nangangailangan ng commitment, lalo na at matagalann ang gamutan. Ang mga PLHIV ay mangangailangan ng malakas na suporta ng pamilya upang hikayatin o i-encourage silang sumunod sa kanilang ART regimen. Ang isang strong support system o sistema ng suporta sa pamilya ay tumutulong sa mga PLHIV na magkaroon ng positibong pag-iisip.