Mga Mito at Maling Akala
Maraming impormasyon kung paano nakukuha ang HIV, tulad ng sa pakikipag-sex, pagbabahagi ng karayom, pagsasalin ng dugo na nahawaan ng HIV, at pagpapasa nito mula sa ina patungo sa sanggol sa panahon ng pagbubuntis, panganganak, o pagpapasuso. Mayroon ding impormasyon kung paano ang laway, tubig, luha, pawis, kagat ng insekto, pagbabahagi ng tuwalya o kagamitan, at iba pa ay HINDI nagdudulot ng virus. Sa kabila ng mga kapaki-pakinabang na impormasyon sa mga paraan ng HIV contraction, mayroon pa ring ilang mga mito at maling haka-haka tungkol sa HIV.
Ang mga mito at maling haka-haka ay nakakaapekto sa pag-unawa tungkol sa HIV. Kaya, nacre-result ito sa maling impormasyon na nagdudulot ng stigma at diskriminasyon. Nasa ibaba ang mga karaniwang mito at maling haka-haka tungkol kung papaano nakukuha o mahahawa ng HIV.
Myth 1: ANG HIV AY PWEDENG KUMALAT SA PAGHAWAK O PAGHALIK
ANG TOTOO: Hindi nakukuha ang HIV mula sa paghawak o pag-kiss sa isang taong may HIV.
Ang pagyakap, pag holding hands, at pag-kiss ay hindi makakapagdulot ng HIV. Maaaring ma-infect ng virus sa pagpapalitan ng mga infected na likido sa katawan tulad ng dugo, gatas ng ina, semilya, vaginal fluid, at blood tranfusion o pagsasalin ng dugo na nahawaan ng HIV. Ang paggamit ng mga karayom na nahawaan ng HIV ay magpapakalat din ng virus.
Myth 2: Ang HIV ay laging humahantong sa AIDS
ANG TOTOO: Hindi lahat ng kaso ng HIV ay nagiging AIDS.
Ang HIV ay maaaring humantong lamang sa AIDS kung HINDI ito ginagamot. Sa propper treatment, ang mga ilang HIV-infected ay pinanatiling kontrolado ang virus sa loob ng ilang dekada o mahigit pa.