PRE-TESTING

Bakit ako dapat magpasuri para sa HIV?

Ang sinumang may edad 13 hanggang 64 ay dapat magpa-HIV test. Halimbawa, ang HIV testing ay maaaring idagdag sa regular o routine health check. Pero ang mga may mataas na risk o yun nalalantad sa mga mapanganib na pag-uugali ay dapat magpa-test nang mas madalas.

Nanganganib ba akong magka-HIV?

Lahat ay nasa panganib na mahawaan ng HIV. Ang bawat taong nakikipag-sex at ang mga may at-risk ay nasa panganib na mahawaab ng HIV. Kaya, kung ikaw ay:

• Nakipag-sex ng anal o vaginal
• Nakipag-sex ng anal o vaginal sa isang taong may HIV
• Pagpapalit-palit o pagkakaroon ng multiple sex partners mula noong huling nagpa-HIV test
• Sharing ng mga karayom, syringe, at iba pang kagamitan sa pag-iniksyon ng droga
• Nasuri o ginagamot para sa iba pang mga anyo ng mga impeksiyon na nakukuha sa pakikipag-sex
• Ang pakikipag-sex sa isang tao na may risky behavior

Bakit ako dapat magpa-HIV test?

Ang pag-alam sa iyong HIV status ay pagiging responsable para ay mapanatiling malusog ang iyong sarili at ang iyong partner. Makakatulong ito na maiwasan ang pagkalat ng virus. Makakatulong din ito para sa tamang paggagamot at pag-aalaga sa bagong diagnosed na PLHIV.

Gaano kadalas ako dapat magpa-HIV test?

Ang mga active sa sex ay nangangailangan ng madalas na pagpapa-HIV test sa bawat 3 hanggang 6 na buwan. Ang mga risk factors ang maging basehan ng mga healthcare providers para malaman kung gaano ano ang mga options at kung gaano kadalas magpa-HIV test.

Maaari ba akong magpa-HIV test kung ako ay buntis?

Oo, ang mga buntis ay maaaring magpa-HIV test. Ang maagap na HIV testing ay maaaring humantong sa:

• Mabawasan ang bilang ng mga sanggol na ipinanganak na may HIV.
• Magpapababa ng panganib na magkaroon ng HIV ang mga hindi pa isinisilang na sanggol.
• Kung may pagdududa, ang mga buntis na nag HIV negative ay maaaring kumuha ng pre-exposure prophylaxis (PrEP).

Gaano kabilis ko makukuha ang resulta ng pagsusuri sa HIV?

Nakadepende sa type ng HIV test kung gaano kabilis o kabagal ang matatanggap ang test results. Maaaring makuha ang result ng test sa loob ng 20 hanggang 30 minuto, habang ang iban type ng test ay maaaring tumagal ng ilang araw.

Malalaman ko ba kaagad ang resulta ng HIV test pagkatapos ng exposure?

Hindi. May window o ang oras sa pagitan ng exposure sa virus at ng HIV testing. Ang window period ay depende sa uri ng HIV testing, na maaaring aabot ng 10 hanggang 33 araw. Kung may pagdududa, maaari uminom ng post-exposure prophylaxis (PEP) medication nang hindi bababa sa loob ng 72 oras mula sa huling exposure sa virus.

Mga uri ng pagsusuri sa HIV

Ang antibody test ay gumagamit ng dugo upang makita ang HIV. Maaaring tumagal ng humigit-kumulang 20 minuto upang malaman ang resulta.

Ang antigen/antibody test ay gumagamit ng dugo upang makita ang virus. Ang testing ay ginagawa sa isang testing facility at makukuha ang resulta sa loob ng 20-30 minuto lamang.

Ang Nucleic Acid Tests (NAT) ay gumagamit ng dugo upang makita ang HIV at viral load. Maaaring tumagal ng ilang araw bago malaman ang mga resulta ng HIV.

Source: Department of Health Administrative Order 2017-0019 ‘Policies and Guidelines in the Conduct of Human Immunodeficiency Virus (HIV) Testing Services (HTS) in Health Facilities.’

Proseso ng Pagsusuri sa HIV

Consent for HIV Test

Ang lahat ng magpa-HIV test ay dapat pumirma sa consent and counseling form.

Confidentiality

Ang impormasyon ng kliyente ay confidential at sinisiguro din ang privacy.

Counseling

Ang pre at post-counseling ay ibinibigay bago at pagkatapos ng HIV testing.

Correct Results

Ang tumpak na HIV testing ay mahalaga upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan.

Connection to Care

Ang mga kliyente ay iuugnay sa prevention, care and treatment, and support services.